Nakakainip

Aminin mo minsan nakakainip maghintay. Lalo na kung ang lahat ng nasa paligid mo ay mabilis na lumilipas. Nasaan na? Traffic ba? Ang tagal baka nahagip ng motorsiklo habang tumatawid, ayun napilay, lalo tuloy tumagal. Madalas kaysa hindi, nakakadala na sumabay nalang sa agos, makisakay ika nga. Lalo na kung meron naman gustong humawak ng kamay mo, akayin ka, isabay sa daloy para hindi ka maiwan. Pakiramdam mo tuloy ang haba ng buhok mo. Pero nakakatakot, pano kung mabitawan ka, ikaw kasi pasmado. Paano kung hindi mahigpit yung hawak? Paano kung ang tagal na naghintay tapos nadapa lang. Ay! Medyo tanga, nagpadala kasi. Nagkapeklat tuloy, hindi kaya ng sebo de macho.

Bakit ka naiinip, ano ba kasing ginagawa mo habang naghihintay? Bakit ka nagmamadali, saan ang lakad? Nakikipag-unahan ka ba? O natatakot maiwan? Ngunit maiwan patungo saan? Sino ang nagdidikta na huli ka na. Marahil natataranta ka dahil sa mga kaibigan mong nakarami na o lumagay na sa tahimik. Bakit maingay ba ang buhay mo ngayon? Hindi paramihan ang labanan. Dapat pagalingan makita ang The One, nang walang mintis. Dapat walang nasawi. O baka naman nangangamba ka dahil pawala ka na sa kalendaryo. Wag kang mag-aalala hindi nahuhuli ang sumusulat ng tadhana mo. Sinusulat lang ng mas maganda at kakaiba.

Gods-Perfect-Timing

Ang pagiging single ay hindi krisis sa buhay na dapat takasan, ito ay pagkakataon upang paghusayin ang sarili. Tuklasin ang mundo ng walang kargo. Maraming nararapat gawin habang naghihintay. Tulad ng pagsusunog ng kilay. Mag-aral ka muna. Nakakahiya naman kung mangangako ka ng buwan at mga bituin kung Chemistry nga hindi mo maipasa. O kaya naman siguraduhin mo muna na wala kang mga isyu sa sarili. Hanap ka ng hanap ng Mr. Right, si Ms. Right ka na ba? O kaya tiyakin mo naman na may plano kang pakasalan. Anong punto ng panliligaw tapos walong taon kayong magkasama gumagawa ng mga alaala at mga pangarap. Wala ka naman palang konsepto ng panghabang buhay. Kalokohan!

Malamang may inggit kang nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid mo. Ganun, hanggang tingin nalang. Umaasang sana ikaw rin may kahawak ng kamay habang namamasyal. Sana may kasilong sa maliit na payong sa ilalim ng masungit na panahon. Umaasa na may kapalitan ng mga mensahe araw gabi. Hay. Ang tamis nakakaumay.

Madalas kasi ang napapansin mo, yung wala sayo. Umaasang kapag natagpuan ay siyang magpupuno sa pagkukulang na nararamdaman ng puso mong inip at pagod. Madalas kailangan mo lang ibaling ang iyong atensyon sa mga bagay na nasa harapan mo. Tulad ng wagas na pag-ibig na kumakatok sa puso mo. Minsan nagbibingi bingihan ka lang, kunwari hindi napapansin, kung saan saan kasi nakatingin. Si God ang tagal ng kumakatok, pakibuksan. May nais sabihin, pakinggan ng mabuti “Anak yung puwang na nararamdaman mo, Ako ang bahala. Tiwala lang. May nakatakda na ako para sayo, nakakakilig at enggrande.”

1 Corinthians 13: 4 – LOVE IS PATIENT.

cr to photo owner

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s